Naganap ang pag-iisang dibdib ng aabot sa tatlumpu’t-dalawang (32) magkapareha sa isinagawang Kasalang Bayan 2025 na ginanap sa Bulakan Evacuation Center ngayong ika-7 ng Hulyo 2025.
Pinagtibay ng ating working MAYOR VERGEL C. MENESES ang nasabing seremonya ng kasal at nagbigay ng maikling mensahe na maaaring makatulong sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa . . . Nagpaalala sya na lawakan ang pang-unawa, pagmamahal at maging sentro ang Panginoon sa lahat ng bagay, respeto at tiwala sa isa’t-isa.
Ang KASALANG BAYAN 2025 ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Bulakan sa pangunguna ng ating MAYOR VERGEL C. MENESES katuwang ang Office of the Municipal Civil Registry Office headed by Ma’am Marian S. Ramos ay naglalayong maisulong ang kahalagahan ng kasal para sa isang matatag na pamilya.
Maraming Salamat po sa lahat ng lumahok at naging bahagi ng mahalagang okasyon na ito.
MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!
BINAGONG BULAKAN . . . sama-sama pa rin!