MISYON
Ang Pamahalaang Bayan ng Bulakan ay naghahangad na mapa-unlad ang pamayanan sa pamamagitan ng: Pagbibigay ng edukasyon na may kalidad at pagpapahalaga sa Kasaysayan at Kultura. Pangangalaga ng kapaligiran at likas na yaman. Paghikayat sa mga kalalakihan at kababaihan upang aktibong makilahok sa mga programa ng Pamahalaang Bayan. Pagsusulong ng mga programa ukol sa Pangkabuhayan, Kagalingan, Kalusugan, Katahimikan, Kapayapaan at Pamamahala sa pagbabawas ng peligrong kalamidad. Pagbibigay ng tamang kaalaman sa kahandaan sa panahon ng panganib at kalamidad. Pagtataguyod ng mahusay na pamamahala para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.
