Republic of the Philippines • Province of Bulacan
Government directory

Municipal update ·

Executive Turn-over Ceremony

Sa pangunguna ng ating working MAYOR VERGEL C MENESES katuwang ang ating Municipal Administrator Dr Rey P. Gloria kasama ang ating Bulakan DILG OIC, Ma’am Lydia Baltazar, LGOO VII naganap ngayong umaga ang Executive Turn-over Ceremony sa Pamahalaang Bayan ng Bulakan.

Alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2025-016, nagsagawa tayo ng ‘Local Governance Transition’ upang pormal na ipasa ang mga plano, dokumento at mga ulat mula sa mga pinuno ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Bulakan.

Bahagi rin nito ang pag-turnover ng mga ulat tulad ng sa budget, procurement, development plans, assets at iba pang pangunahing dokumento ng ating pamahalaan.

Kasunod ay ang pormal na Panunumpa ng Tungkulin ng ating Punong Bayan VERGEL C MENESES kasama ang bumubuo ng 12th Sangguniang Bayan na sina Kon Veronica ‘Roni’ Meneses, Kon Benjo Cruz, Kon Patrick Catindig, Kon Archie San Jose at Kon Atty Aina Pagsibigan sa harap ni Provincial Prosecutor FISCAL Ramoncito Bienvenido Ocampo Jr.

Ang panunumpa sa katungkulan o oath of office ay pangako ng isang indibidwal na tutuparin ang mga obligasyon ng posisyon kung saan sila nahalal.

Mensahe ng ating working Mayor VERGEL C MENESES:

“Samahan ninyo po ako sa layuning ibinigay sa masang Bulakenyo . . . Ang patuloy na “good governance” Patuloy po nating ibibigay sa taong bayan ang tamang serbisyo . . . Sabi nga ni Konsehala Roni . . . Serbisyong Mula sa Puso”

← Back to news