Naganap ang Pasinaya at Pagtatalaga sa Tungkulin at Sabayang Panunumpa sa Tungkulin ng lahat ng mga Bagong Halal na Opisyal sa Lalawigan ng Bulacan ngayong ika-29 ng Hunyo 2025 sa Bulacan Capitol Gymnasium Lungsod ng Malolos Bulacan.
Dumalo sa nasabing okasyon para sa panunumpa ang ating re-elected MAYOR VERGEL C. MENESES at kasama ang bumubuo ng ating 12th Sangguniang Bayan ng Bulakan.
Pinangunahan nina re-elected Gov Daniel R Fernando at re-elected Vice-Gov Alex C. Castro ang pasinaya at pagtatalaga sa mga incoming officials sa lalawigan ng Bulacan.
Pagbati sa lahat at nawa’y maging matagumpay ang inyong paglilingkod sa ating bayan.
BINAGONG BULAKAN . . . sama-sama pa rin!