Republic of the Philippines • Province of Bulacan
Government directory

Municipal update ·

KASARINLAN NG BULACAN

Mula sa direktiba ng ating PUNONG BAYAN VERGEL C. MENESES, sa araw ng paggunita ng ika-127 na taong Kasarinlan ng Bulacan ngayong ika-24 ng Hunyo 2025 naganap ang simpleng paghahandog ng bulaklak bilang pagbibigay kahalagahan sa nakaraan ng Bayan ng Bulakan at Lalawigan ng Bulacan.

Pinangunahan ng ating Municipal Administrator Dr Rey P Gloria ang nasabing okasyon kasama ang bumubuo ng Bulakan PNP at Reb Monsignor Padre Javer M Joaquin P.C. para sa panalangin.

Dumalo sa nasabing okasyon ang bumubuo ng 11th Sangguniang Bayan, Kons Benjo M Cruz, Kons Atty Aina Pagsibigan, Kons Archie San Jose, mga pinuno ng Sangguniang Barangay, Bulakan DeEd Family headed by PSDS Dr Raquel Salazar at mga pinuno ng tanggapan at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Bulakan.

Isang pasasalamat at pagbati sa mga naging punong abala sa okasyon, Sir Alex Aguinaldo, Kurator, sa naging Guro ng Palatuntunan, Sir Jaylord D Cruz at mula sa Tanggapan ng Kasaysayan Sining Kultura at Turismo, Sir Jayperson Concepcion katuwang ang GSO headed Ma'am Carol Atienza.

← Back to news