Republic of the Philippines • Province of Bulacan
Government directory

Municipal update ·

LIVELIHOOD ENHANCEMENT PACKAGE TO INFORMAL SECTOR BENEFICIARIES

Kabuhayang Swak na Swak!

Mga Negosyong tutulong pandagdag sa existing negosyo ng ating mga kababayan KaBulakenyo.

Kahapon ay nagkaroon na ng katuparan ang Livelihood Enhancement Package para sa ating mga Informal sector beneficiries from Bulakan na kanilang nairequest taon 2023. Bagamat nagtagal ay naging makabuluhan ang idinaos na Awarding of 21 different Pangkabuhay Packages sa 50 Benepisyaryong KaBulakenyo.

Dinaluhan para harapan at aktwal na maiabot ng DOLE Assistant Regional Director Sir Alex Inza-Cruz sa mga KaBulakenyo Benepisyaryo ng 21 Negosyo packages gaya ng :

* Sari-Sari Store Package

* Cook Vending or Carinderia Store Package

* Meat & Vegetable Package

* Vegetable Vending Business Package

* Fish Vending Business Package

* Softdrink Dealer Package

* Frozen Goods Selling Package

* Bag Manufacturing Package

* Garments / Tailoring Shop Package

* Street Food Business Package

* Cakes and Pastries Package

* Pastries Package

* Plants and Candles Business Package

* RTW Business Package

* Garments Business Package

* Printing Services Package

* Sweet Delicacy Vending Package

* Delicacy Store Package

* Food Cart Mami and Pares Business Package

* Online Selling Business Package

* Catering Business Package

Pinaunlakan din ng ating masipag na Konsehal Archie San Jose ang okasyon para katawanin ang ating Working MAYOR VERGEL C MENESES na laging nakaagapay at nakasuporta para sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan tulad ng proyektong ito. Naging katuparan din para sa ating mga Benepisyaryo ang negosyong ito sa tulong at suporta ni Vice-Mayor Atty Aika C. Sanchez at ating Municipal Administrator Doc Reynaldo Gloria.

Salamat sa lahat ng mga Opisina na naging kaagapay namin para sa katuparan at kaayusan ng proyektong ito; Ang Finance Team : Accounting Dept, Budget Office at Treasury Dept. Ang MSWD na umagapay sa amin para sa mga benepisyaryo at GSO para sa pisikal na preparasyon ng okasyon. Higit sa PESO Bulakan headed by Sir Ruel Bernabe and PESO Bulakan - DILP Section para sa preparasyon ng proposal to Canvass to suppliers meeting hanggang sa delivery management and preparation of Packages.

Sa aming mga Beneficiaries, alagaan at pagyabungin po ninyo ang mga dagdag puhunan negosyo inyong nakamit.

← Back to news