Republic of the Philippines • Province of Bulacan
Government directory

Municipal update ·

MABUTING PAMAMAHALA Flag Raising Ceremony 05.25.26

Isang regular Flag Raising Ceremony ang naganap ngayong ika-25 ng Mayo 2026, ganap na ika-8:00 ng umaga na pinangunahan ng ating working MAYOR VERGEL C. MENESES, MA Christopher Aron C. del Rosario, bumubuo ng 12th Sangguniang Bayan sa pangunguna nila KON RONI MENESES, Kon Benjo Cruz, Kon Patrick Catindig, Kon Atty Aina Pagsibigan, Kon Oya Mendoza, Kon Archie San Jose, ABC Mario Bernardino, SK Federation President Shaine Trisha Baltazar at lahat ng pinuno at kawani ng Pamahalaang Bayan.

Kasama sa programa ang pagbahagi ng parangal na natanggap ng LGU BULAKAN ang 2026 PhALGA EXCELLENCE AWARD (For being a recipient of the Seal of Good Local Governance (SGLG) for CY 2024, an outstanding mark of transparency, accountability, and excellence in public service, reflecting the LGU's unwavering commitment to good governance and dedication to uplift the welfare of its constituents.) na iginawad noong ika-19 ng Mayo 2026 na ginanap sa Dakak Golf and Beach Resort, Dapitan City.

Nagtapos ang programa makaraan ang isang pampasiglang bilang mula sa pinuno at kawani ng Tanggapan ng Agrikultura headed by Sir Jayson Magpayo na tumayong host sa umagang ito.

#BinagongBulakanSamaSamaPaRin

ctto: BULAKAN MIO

← Back to news