Isang pagkilala ng Regional Peace and Order Council (RPOC) ang natanggap ng Bayan ng Bulakan bilang Drug-Free Workplace noong ika-12 ng Mayo 2026 na ginanap sa Royce Hotel, Freeport Zone Angeles Pampanga.
Ang nasabing pagkilala ay gagawing inspirasyon ng ating working MAYOR VERGEL C. MENESES katuwang ang Tanggapan ng Kalusugan at Tanggapan ng Tagapamahala sa Kakayahang Pantao sa pangunguna nina Dra Erikel Katrina R. Meneses at Ma’am Priscilla Reyes para maipagpatuloy ang pagsisikap na mapanatili ang integridad, kaligtasan, at kahusayan sa pagbibigay ng serbisyo sa bayan ng Bulakan.