MAYO UNO . . . ang araw na ipinagdiriwang natin ang ‘Araw ng Manggagawang Pilipino’ sa buong bansa. Dito kinikilala ang kanilang mga kontribusyon, nasa pribado man o pang-publikong sektor, sa loob o labas man ng ating bansa.
“Kaisa nyo po ako sa inyong mga adhikain na maibalik ang sigla, bagama’t may krisis na pinagdadaanan. Kayo bilang mga manggagawa ay katuwang ko anumang tagumpay na ating tinatamasa. Hangad kong mabigyan kayo ng mas magandang kinabukasan para sa inyong pamilya.
Dalangin ko na ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay maging makabuluhan para sa lahat . . . Isa-puso ang tunay na diwa . . . At muling maibalik ang sigla tungo sa pag-unlad ng Bayan ng Bulakan!”
Mabuhay ang mga Manggagawang Bulakenyo….
Mabuhay ang Anak Pawis. . .
Mabuhay ei!