Republic of the Philippines • Province of Bulacan
Government directory

Municipal update ·

DRUG-FREE Workplace Program

Mula sa direktiba ng ating working MAYOR VERGEL C MENESES katuwang ang Municipal Health Officer Dr Erikel Katrina Roldan-Meneses at HRMO Priscilla Reyes, pinangunahan ng ating MA Christopher Aron C del Rosario ang maikling panayam na ginanap kahapon, ika-6 ng Mayo 2026 ukol sa Drug-Free Workplace Policy and Program sa Pamahalaang Bayan ng Bulakan bilang bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng polisiya laban sa ilegal na droga.

Layunin ng nasabing panayam na paigtingin at palawakin ang kaalaman ng bawat kawani hinggil sa mga panganib dulot ng paggamit ng ilegal na droga at ang kaakibat nitong pananagutang legal, alinsunod sa pambansang kampanya kontra droga.

Bahagi ang inisyatibang ito ng ating working MAYOR VERGEL na maipagpatuloy ang pagsisikap na mapanatili ang integridad, kaligtasan, at kahusayan sa pagbibigay ng serbisyo sa ating komunidad.

#BinagongBulakanSamaSamaPaRin

ctto: BULAKAN MIO

← Back to news