Republic of the Philippines • Province of Bulacan
Government directory

Municipal update ·

Grand Sagalahan

Tunay na ang Bayan ng Bulakan ay mayaman sa Kultura at Tradisyon kung saan nagsimula ang Flores de Mayo bilang debosyon sa ating Mahal na Birhen at pagpapakilala sa Ama ng Flores, Padre Mariano Sevilla . . . kaya naman ang Tanggapan ng Kasaysayan Sining Kultura at Turismo ng Bulakan ay naglungsad ng isang proyekto upang kilalanin ang ating Bayan ng Bulakan na pinagmulan ng mga magagandang dilag at makikisig na konsorte.

Saksihan ang The Grand Sagalahan handog ng Pamahalaang Bayan ng Bulakan sa pamamagaitan ng ating working MAYOR VERGEL C MENESES katuwang ang Tanggapan ng Kasaysayan Sining Kultura at Turismo headed by Ma’am Celina Concepcion sa ika-29 ng Mayo 2026.

Inaanyayahan ang lahat ng indibidwal o grupo na gustong magbigay ng SAGALA at makipag - ugnayan sa Tanggapan ng Turismo sa numerong 09690660883.

#BinagongBulakanSamaSamaPaRin

← Back to news