Republic of the Philippines • Province of Bulacan
Government directory

Municipality of Bulakan

Municipal Council

← All municipal information

Dates, terms of office, and document years are retained for context. Confirm current schedules, assignments, and requirements with the responsible municipal office.

Hon. BIENVENIDO "BENJO" M. CRUZ JR.

Hon. BIENVENIDO "BENJO" M. CRUZ JR.

Si Konsehal BIENVENIDO “BENJO” MARCELO CRUZ JR. ay ipinanganak noong ika – 22 ng Disyembre taong 1977 sa Nayon ng Bambang Bayan ng Bulakan, Bulacan. Anak ng dating Kagawad ng Barangay Bambang na si BIENVENIDO SAKAY CRUZ SR. at may bahay na si ANGELITA MARCELO CRUZ. Siya ay nakapagtapos ng Elementarya sa Mababang Paaralan ng Bambang, Sekondarya naman sa Assumpta Academy at Kolehiyo naman sa Pamantasan ng Silangan na may mataas na degree sa kursong Batsilyer ng Agham at Pangangasiwa ng Negosyo Major sa Pagbabangko at Pananalapi. Pagkaraan matapos ang pag aaral sa Pamantasan ng Silangan ay nag aral muli at nakapagtapos rin sa Pamantasa ng Birhen ng Fatima sa kursong Batsilyer ng Agham sa Nursing. Kilala natin si Konsehal Benjo bilang isa sa masipag na Lingkod Bayan ng ating Dakilang Bayan ng Bulakan. Kaya’t narito ang mga Samahang Pansibiko at Panlipunan na kanyang kinabibilangan. - BULACAN CHAMBERS OF COMMERCE & INDUSTRY (BOARD OF TRUSTEE) 2018 – 2023 - BULACAN COUNCIL FOR CULTURE AND THE ARTS (BOARD OF DIRECTOR & TREASURER) 2019 – 2023 - KNIGHTS OF COLUMBUS 8677 (PROGRAM DIRECTOR) 2022 – 2023 - MASTERS CHOIR (MEMBER) - ROTARY CLUB OF BULAKAN DISTRICT 3700 (SERVICE DIRECTOR) 2023 – 2024 - KABESERA INC. SAMAHANG KALINANGAN NG BULAKAN (MEMBER) 2021 - PRESENT - ALPHA KAPPA RHO (MEMBER) 2021 – PRESENT - DEL PILAR PRODUCTION (PRODUCER) 2022 - PRESENT - SOLID AND INDEPENDENT LGBT OF BULAKAN (MEMBER) 2021 – PRESENT Narito naman ang mga karangalan na natanggap ni Konsehal Benjo sa iba’t ibang larangan. - GINTONG KABATAAN ENTREPRENEUR 2011 (GIVEN BY THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BULAKAN) - BULACAN MOST OUTSTANDING BUSINESSMAN 2018 (GIVEN BY BULACAN CHAMBERS OF COMMERCE AND INDUSTRY) - INJAP SIA MOST OUTSTANDING YOUNG BUSINESSMAN IN THE PHILIPPINES 2019 (GIVEN BY PHILIPPINE CHAMBERS OF COMMERCE AND INDUSTRY) Si Konsehal Benjo ay ang may ari ng Pambansang Lugaw ng Pilipinas BMCJR LUGAW REPUBLIC. Itong Food Cart Business niya ay 18 na taon ng nagluluto ng mainit at masarap na lugaw at ito ang nagbibigay ng hanap buhay sa kanyang mga tauhan. Karaniwang makikita ang BMCJR LUGAW REPUBLIC sa iba’t ibang malalaking establisyemento at malalaking pamilihan sa buong Pilipinas. Ngayon siya ay kasalukuyang Konsehal ng Bayan ng Bulakan at Taga- Pangulo sa Komite ng Edukasyon at Kooperatiba. Mga Kapatid! Ang Konsehal ng Masa ang ating KAPATID, Konsehal Bienvenido “BENJO” M. Cruz Jr.

Hon. PATRICK IAN DC. CATINDIG

Hon. PATRICK IAN DC. CATINDIG

From being a professional Nutritionist-Dietitian, the youth leader is a serial entrepreneur, culture, heritage, and environmental advocate with substantial 12 years of professional career experience in the corporate landscape, non-government organization, and government institution. He is the co-founder of Whole Eco Philippines, a social enterprise dedicated to promoting biodegradable and compostable foodware and packaging that adopts the idea of “sustainable lifestyle”. He is also the co-founder and chairman of U LEAD Pilipinas, Inc., an NGO under Angat Buhay Foundation, seeking to make a difference in Education, Economic, and Social Development in the communities of Bulacan. He is currently the Vice President of KABESERA, Inc., an NGO and cultural heritage association devoted to promoting, conserving, and preserving the town of Bulakan. A holder of Executive Certificate in Business through Culture of Health (PH211X) under Harvard X, Harvard TH. Chan School of Public Health, Boston, Massachusetts and a graduate student of Master of Science in Entrepreneurship at the De La Salle University Manila, his educational background would be a great addition to opening new perspectives in the local government office. As a young public servant, his greatest recognition so far was the passing of the “Barangay Management Information System Ordinance of Barangay Bagumbayan, Bulakan”. The 1st information technology law in Bulakan which aims to streamline internal and external processes, improve communication, and provide timely and accurate government services to the residents of the barangay. As a newly-elected councilor, he would persistently stand up for the 4 core sectors: “KABATAAN, KALUSUGAN, KABUHAYAN, and KALIKASAN”, under the principle of “Katindig mo! Tapat na Katindig ng Bawat Bulakenyo”.

Hon. GLORIA "OYA" MENDOZA

Profile under construction

Hon. VERONICA MICHAELA "RONI" V. MENESES

Hon. VERONICA MICHAELA "RONI" V. MENESES

Si Konsehala Veronica Michaela V. Meneses ay isang masigasig at makabagong lider ng Bayan ng Bulakan. Ipinanganak noong Marso 4, 1995; anak ng ating kasalukuyang Punong Bayan, Mayor Vergel C. Meneses, at ni Ginang Michelle S. Vivas. Ang kanyang puso sa paglilingkod ay bunga ng inspirasyong nakuha niya mula sa kanyang ama na matagal nang kinikilala sa tapat at makataong pamumuno. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Clothing Technology sa University of The Philippines Diliman. Isang residente ng Barangay Bamabang, pinamunuan niya ang Kababaihan Sama-Sama para sa Bagong Bulakan (KSSBB), ang pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bayan, mula 2023 hanggang 2025 Isang mental health advocate at tagapagtaguyod ng kababaihan, kabataan, at karapatang pantao, siya ay kinilala sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng mga parangal gaya ng Asia’s Iconic Woman of Influence Award (2023), Most Empowered Woman in Pageantry Award (2022), Empowered Woman in Vlogging & Pageantry Award (2022), at Philippine Face of Success Award (2021). Noong 2021, siya rin ay itinanghal bilang Miss Philippines Earth – Fire, na nagbigay sa kanya ng mas malawak na plataporma upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya para sa kalikasan, kababaihan, at mental health awareness. Bilang konsehal, pinamumunuan niya ang mga mahahalagang lupon ng Women, Children, Family Relations and Gender Equality; History, Arts, Culture and Tourism; Education; at Social Development, Poverty Alleviation, Senior Citizens, and Persons with Disabilities. Patuloy niyang itinataguyod ang mga makabuluhang adbokasiya na layong bigyang boses ang mga sektor na madalas na naiiwan sa lipunan. Tapat siyang naglilingkod sa mga Bulakenyos, dala ang malasakit, determinasyon, at layunin na higit pang pagyamanin ang kinabukasan ng Bulakan sa pamamagitan ng makataong pamumuno at serbisyong palaging mula sa puso.

Hon. RCHIE SAN JOSE

Hon. RCHIE SAN JOSE

Si Konsehal Archie San Jose ay anak ng Bulakan. Mula sa angkan na nagmula sa Perez, Bambang at Taliptip na kung saan siya ay isinilang, nagkaisip at naninirahan hanggang sa kasalukuyan. Nagtapos ng kursong BSHRM at naging Front Desk Supervisor sa mga premyadong hotels sa bansa tulad ng Conrad Hotel, Makati Shangri-La at Intercontinental Hotel. Kasalukuyang nanunungkulan bilang Konsehal ng Bayan at pinamumunuan ang Komite ng Health and Nutrition, Komite ng Environmental Protection at Komite ng Labor and Employment. Nag-akda ng mga kapakipakinabang na ordinansang direktang makakatulong sa mga mamamayan ng Bulakan. Ito ay ang – 1. Municipal Ordiance No. 2023 - 371 - Septage Ordinance na magiging daan para mabawasan ang singil sa tubig 2. Municipal Ordinance No. 331 - 2022 - Environmental Code na magiging gabay sa pangkalahatang pamamahala ng kalikasan 3. Municipal Ordinance No. 2022 - 335 - Lactation Station Ordinance na nagbibigay kahalagahan sa kapakanan ng mga nagpapasususong ina kahit nasa kanilang mga trabaho. 4. Municipal Ordinance No. 2022 - 338 - DRRM-H na magiging gabay sa panahon ng sakuna Bago naging Konsehal ay nanungkulan din bilang Kagawad ng Barangay Taliptip nuong taong 2018. Siya ang isa sa mga naging instrumento upang maging maayos ang sistema at pamamalakad sa Sangguniang Barangay ng Taliptip sa pamamagitan ng Aktibong pagtugon sa pangangailangan ng kanyang mga kabarangay at ang pinangunahang komite, ang Health and Nutrition Committee. Patuloy na nagbibigay ng mga tulong medikal sa mga nangangailangan dito sa ating Bayan ng Bulakan at ang kanyang adhikain ay patuloy na mapaglingkuran ang ating mga kababayan gamit ang kanyang karanasan at dedikasyon na may tamang Aksyon at Solusyon.

Hon. PICCOLO IÑIGO MENESES

Profile under construction

Hon. ATTY. ANA MARIE "AINA" V. PAGSIBIGAN

Hon. ATTY. ANA MARIE "AINA" V. PAGSIBIGAN

Mula sa lahi ng Almario-Villegas ng Bayan ng Bulakan at Esguerra-Pagsibigan ng Bayan ng Bocaue at Bayan ng San Miguel, masasabing ang pagtahak sa buhay ni Atty. AINA PAGSIBIGAN ay nasa paglilingkod. Bata pa si Atty. AINA ay kinakitaan na ng mga katangian ng isang pinuno. Siya ay naging Pangulo ng Student Council ng Assumpta Academy, naging Department Representative sa College of Social Science and Philosophy (CSSP) Student Council sa Unibersidad ng Pilipinas (UP)-Diliman, at habang nag-aaral ng abogasya sa San Sebastian College-Recoletos ay naging Pangulo ng isang Sorority sa nasabing paaralan. Ngunit hindi lamang sa paaralan naging aktibo si Atty. AINA. Si Atty. AINA ang kauna-unahang Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Matungao at Pangalawang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagsagawa siya ng iba’t ibang proyektong pangkabataan kung kaya tinanghal siya na “Outstanding Chairperson” para sa Unang Distrito ng Lalawigan ng Bulakan. Naging Pangulo din ng Rotary Club of Bulacan, Bulacan noong taong 2019-2020, Pangulo din Assumpta Academy Alumni Association, at naging aktibo din sa Simbahan ng maging Hermandad noong 2018-2023. Si Atty. AINA ay nagkaroon din ng malawak na karanasan sa pamamahala. Siya ay naging Kagawad ng Barangay Matungao, ngunit hindi pa niya natatapos ang kanyang termino, kinuha na siya para maglingkod sa Pamahalaang Bayan. Nagbigay karangalan siya sa Sangguniang Bayan ng siya ay tanghaling “Best Secretary to the Sangguniang Bayan” – 3rd Place. Pagkaraan noon, siya ay naging Municipal Administrator sa panahon ng paglilingkod ni Mayor Mary Villegas. At ngayon, bilang halal na Konsehal ng Bayan, nagpatuloy si Atty. AINA PAGSIBIGAN sa kanyang paglilingkod sa Bayang Bulakan bilang Tagapangulo ng Lupon ng Agrikultura at Pangisdaan, Lupon ng Hustisya, Lupon ng Karapatang Pantao, at Lupon ng Kababaihan, Kabataan, Persons With Disabilities (PWD), at Social Welfare and Development. Kasapi din siya ng iba’t iba pang Lupon sa Konseho. Sandata ang KARUNUNGAN at ang KARANASAN, nakapag-akda si Atty. AINA PAGSIBIGAN ng mga mga batas na makabuluhan, napapanahon at nakatuon sa kapakanan ng kanyang mga kababayan. Ilan sa kanyang mga iniakdang batas ay: “BOTIKA NG BAYAN” (Kautusang Bayan Blg. 2022-334) Libreng gamot para sa mamayan ng Bulakan “THE 2023 FISHERIES CODE” (Kautusang Bayan Blg. 2023-375) Nagpatibay sa pagkilala sa mga karapatan ng mga mangingisda at pangangalaga sa yamang dagat at kalikasan “THE CHILDREN’S CODE” (Kautusang Bayan Blg. 2022-322) Nagpatibay sa pagkilala sa mga karapatan ng bata at kabataan “THE SENIOR CITIZEN’S CODE” (Kautusang Bayan Blg. 2023-373) Nagpatibay sa pagkilala sa mga karapatan ng mga senior citizens at pagbibigay pagkilala sa kanilang kahalagahan sa pamamagitan ng “Road to 100” provisions ng nasabing batas “ORDINANCE ON MENTAL HEALTH OF 2022” (Kautusang Bayan Blg. 2022-326) "ORDINANCE ADOPTING THE "SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN (Kautusang Bayan Blg. 2022-329) AGAINST CHILD ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION ACT"

Hon. MICHAEL M. RAMOS

Hon. MICHAEL M. RAMOS

Nagmula sa Barangay Taliptip sa Bayan ng Bulakan, Bulacan, si Michael Manuel Ramos ay isang masigasig na lider, negosyante, at mangingisdang may malasakit sa kanyang kapwa. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Commerce, Major in Management sa Centro Escolar University – Malolos. Matapos ang kanyang pag-aaral, matagumpay niyang pinasok ang larangan ng negosyo habang nananatiling tapat sa kanyang ugat bilang isang mangingisda na may malasakit sa kabuhayan ng kanyang komunidad. Bilang Punong Barangay ng Taliptip sa loob ng labindalawang (12) taon, pinatunayan niya ang isang tapat, epektibo, at pusong serbisyo publiko. Sa kanyang pamumuno, pinaigting niya ang mga programang nakatuon sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan. Kabilang dito ang pagbibigay sa suporta sa mga programang pangkalusugan, pagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral, at pagtataguyod ng mga proyektong pangkabuhayan para sa kanyang mga kabarangay. Ipinamalas ni Konsehal Ramos ang tunay na diwa ng serbisyong may puso at malasakit, dahilan upang siya ay pagkatiwalaan at mahalin ng kanyang nasasakupan. Sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbing Konsehal ng Bayan ng Bulakan, kung saan patuloy niyang dinadala ang kanyang prinsipyo ng makatao, makabayan, at makabuluhang pamumuno sa mas malawak na paglilingkod.

Hon. MARIO S. BERNARDINO - ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAINS PRESIDENT

Hon. MARIO S. BERNARDINO - ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAINS PRESIDENT

Isang Punong Barangay na nagmula sa pamilyang tubong Balubad, Bulakan, Bulacan. Si ABC Pres. Mario S. Bernardino ay nag-umpisang maglingkod sa barangay bilang Barangay Kagawad noong taoong 1994-1997 at nang dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang barangay ay muling tumakbo at nahalal bilang Punong Barangay noong taong 1997 hanggang sa kasalukuyan. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay marami siyang naisagawang matagumpay at kapaki-pakinabang na proyekto gaya na lang nang pagpapakabit ng street lights kung saan ang Barangay Balubad ang kauna-unahang nakapagpakabit nito sa ating bayan. Pagbibigay ng libreng gamot sa kanyang mga ka-barangay, pagbibigay ng libreng gamit eskwela sa lahat ng mag- aaral mula Day Care hanggang Elementarya, gayundin ang pagbibigay ng iskolar at cash gift sa lahat ng mga mag-aaral na nagtapos ng may karangalan sa Paaralang Elementarya ng Balubad. Isa din sa kanyang naisagawa ay ang patuloy na pagsugpo at pagtataguyod ng mga Proyektong Kontra-Droga. Higit sa lahat ay ang walang sawa niyang pagbibigay suporta sa kanyang mga ka-barangay noong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods at pagbabantay 24/7 sa kanyang mga ka-barangay tuwing panahon ng kalamidad.

Hon. SHAINE TRISHA C. BALTAZAR - SANGGUNIANG KABATAAN FEDERATION PRESIDENT

Hon. SHAINE TRISHA C. BALTAZAR - SANGGUNIANG KABATAAN FEDERATION PRESIDENT

Mula sa simpleng pamilya, si Shaine Trisha C. Baltazar ay mulat na sa paglilingkod at pagtulong sa kapwa noon pa man. Sa labing walong taong pag-aaral, nahubog ang kaniyang kahusayan sa pamumuno sa pamamagitan ng pagiging lider-estudyante. Nagtapos ng primarya sa Paaralang Elementarya ng Tabang bilang Unang Karangalang Banggit, Mataas na Paaralan ng San Francisco Xavier sa sekondarya nang May Karangalan, at Bulacan State University Main Campus kung saan nabigyan ng parangal bilang Magna Cum Laude sa kursong Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwang Pang-turismo. Wala pa man sa posisyon, aktibo na si Shaine sa pagtulong sa kapwa. Sa panahon ng pandemic, nakiisa siya sa pagbibigay ayuda sa mga kababayang bulakenyo. Bilang isang karaniwang kabataang may pangarap at pagmamahal sa bayan, sinubukan niyang pasukin ang politika. Sa unang pagkakataon, nagwagi siya bilang SK Chairperson at ngayo’y Pangulo ng Pederasyon.